Monday, July 28, 2008

Mt. Mabilog Climb Account

Umakyat ako ng Mabilog last weekend. Nabalitaan ko po kasi na may aakyat daw na mga mountaineers doon kaya immediately gumawa ako ng sariling plano para umakyat din. Manila-based guests ang balak umakyat: 40 pax, diumano. Claim ng advertisement ng ilang members nila na "bagong lugar". Open climb pala iyon para sa mga gusto ng bagong lugar.
Pumunta po ako doon para i-welcome ang mga bisita. Sinabi ko na hindi naman bago ang lugar, hindi lang kami conscious na magugustuhan nila dahil mababa lang ito (428m asl). Pangatlo na sila sa naging bisita namin doon ngayong 2008. May 360 deg view din naman ang Mt. Mabilog. Dahil nagustuhan nila ang lugar..... pwede namang puntahan ulit ito ng kahit sino. Pakiusap lang na panatilihin ang lugar kagaya ng pagkakita nila dito.




Madalas ang ulan ng mga nakaraang araw bago mag-climb. Maputik ang daan. Late na kami (with some locals) umakyat dahil wala naman kaming partikular na gagawin sa summit kung maaga kami. Pag dating namin sa summit, wala pa kahit isang bisita. 5pm na ng hapon. Pumili na kami ng lugar ng mga tents namin. Hindi kami makapili ng magandang lugar. Mahirap pumili ng lugar kapag sobrang laki ng campsite (halos 1 hectare). Pumili na lang kami ng tabi since may advance information nga po ako na madami ang mga bisita. Pagkatapos naming mag tayo ng mga tents, 5:30 siguro...dumating na ang mga bisita. 40 katao nga! Kasama ang 2 kabayo, dala ang mga water containers, cooking gadgets at mga tents na provided lahat ng outdoor addicts.

Matapos makapag-settle ng mga tao sa campsite, sinimulan na iprepare ang dinner. Nauna na kaming kumain since nakapagluto na kami ng mas maaga. Around 8pm ang socials. Dala namin ang 1 putaheng tilapia na pinahuli namin sa lake Yambo at 3 boteng gran matador na inilaan namin para sana sa sariling socials namin. Maganda ang panahon. Napagbigyan ang mga bisita ng payapa at maaliwalas na gabi para makapagsaya. Hindi na namin tinapos ang socials. Natulog na kami ng mga kasama ko nauna sa mga bisita. Alas dos daw natapos ang socials.


Kinabukasan, mas maaga din kaming nagising at nagluto ng breakfast. Dahil maaga kaming nakapagligpit, nagpaalam na din kaming mauna na sa pagbaba. May plano pa ang mga bisita na mag-swimming sa lake Yambo. Hindi ko alam kung may plano pang sumama ang mga kasama ko. Habang bumababa kami, madami kaming nakuhang mga bunga ng niyog. Bago pa kami makarating sa ibaba ay may 50 pcs na niyog ang dala namin. Ipinagbili ng kasama ko ang mga niyog sa pinakaunang pamilihan na nadaanan namin. Sa pamilihan, nagkaayaan na ubusin pa ang mga natira naming pagkain habang inumpisahang inumin ang 1 boteng gran matador na natira kagabi sa socials. Mukhang doon na din uubusin ang perang napagbilhan ng mga niyog. Iyon na siguro ang plano ng grupo ko. Bago pa maubos ang pinasasaluhang inumin, umuna na ako at nagpaalam sa kanila.

Habang papalayo, naisip ko ang iba pang bisita. Mahaba pang kasiyahan ang naghihintay sa kanila sa lake. Welcome din sila sa kubo namin sa tabi ng lawa. Pwede pa rin sila tumigil ng isang gabi sa lake campsite na ginawa namin kung gugustuhin nila. Meron ding balsa na pwedeng gamitin. Habang nagsasaing at nag-iihaw ng sariwang tilapia sa mismong balsa, pwede ring dumako sa gitna ng lawa para doon kumain. Sariwang isda, bagong pitas na buko, sariwang saging at mainit na kanin sa balsa. Sana magustuhan nila.

Jojo:09179488362