Tuesday, September 2, 2008

Tales of our Anawangin weekend

Aug 2-3, 2008

Ang Mahiwagang Alhambra

Hindi na ako nagsisigarilyo. Ayoko nang sunugin ang baga ko habang sinusunog ko din ang perang pinaghirapan ko (Kung libre siguro, pwede pa! He he he he). Habang nagbibilihan ang mga kasama ko sa X-odus sari-sari store sa San Marcelino, wala akong maisipang bilhin kaya napagdiskitahan ko ang isang paketeng tabako na nakalagay sa sulok malapit sa mga posporo gitara. “Magkano to?” Tanong ko sa cashier......” eight peso po.....” Talaga!!? Uuuuuuy.....at sa 30 pcs na laman ng isang kaha....panalo to!!!!!!

Binuksan ko agad, kumuha ng isa at nakisindi kay manong. Wow!!!! brown ang kulay niya! Parang cigarillo de mexico. Galeng, galeng......ayos ang laruan ko! Habang hithit-buga kong ine-enjoy ang Alhambra........bulalas ko sa lahat......”ilabas ang mga alipin at pasayawin sa harap ko!!! Ha ha ha ha ha...... mala-hari ang dating ng drama pag nagsisigarilyo ng Alhambra. Super galeng ng bago kong laruan!!

“Companero.....meyameya lang ay pede na nating pag-usapan ang atin na mga negosyo, ehhhh....? At patango-tango pang kinakausap ang kasama kong si Deng.
Nakarating na kami sa beach at matapos makapag-ayos ng lahat ng kailangan.....wala nang magawa kundi magkwentuhan. Umentra na naman si Alhambra..........dyaran!!!!! Si Eric, bumili din pala???!! Hala...supsop ng tabako at para maging mayaman din kayo kahit drama lang lahat ng ito!!!! Ha ha ha ha ha...... “Uuuuuy kunan mo naman ako ng larawan...trip lang habang hinihit-hit ko tong Alhambra” Malay pa niya kung ano ito sa larawan, di ba? Me makapagsasabi ba na otso pesos lang ang halaga ng isang kaha? Wala...!!!!! So ayan.....pwede mo na ako kunan.........yehey!!!!









Alon

Wag kang aalon, wag kang aalon, pero pedeng umulan...."Nagpapasikat ba kayo bat di kayo sumabay sa AM...i" hihihihi. . .

Pagsalpok ng ikalawang alon, ayun! puno na ng tubig ang banka! abandoned ship were sinking! nyahaha si bulet panic mode! hano ka ba, ayan lang ang pangpang!!! hihihihihi.. .so lipat sa isang banka, "pag sabi kong sakay, sakay kayo lahat ha!" sigaw ni koya.

Di pa sya sumisigaw nakasakay na kami lahat mapwera kay bulet and eric anong ginagawa nyo dyan sa tubig? hihiii

Akala ko buo ang loob ni koya, nun nasa laot na kami bigla syang kumapit sa balikat ko at bumubulong "ayan na ang ga simbahang alon!" hahaha teka koya, kelangan na bang umakayat ng itlog ko sa leeg? hehehe

Ibang klaseng bangkaan experince yun man! mala perfect storm. Kakanta sana ako ng iisang banka kaso baka ma challenge yun alon. . Salamat lang talaga kay Jah at ala namang nangyaring masama except very late lunch sa gapo, parang mga sabik sa pag kain! hehe tiran nyo kami ng buto at isisigang ko pa yan! hahahaa..

(Salamat kay Deng)